Dekada ’70 (Panunuring Pampanitikan)

CristianLumaad
3 min readMar 17, 2021

--

Photo by : DJ Ramones

“Dekada ‘70”

Ano ba ang Dekada ‘70? Ano nga ba ang kaugnayan ng pamagat at ang akda sa kabuoan ng akda nito? Sino-sino ba ang mga tauhan sa Dekada ‘70? Ano at sino ang sumisimbolo sa Dekada ‘70? Ang Dekada ‘70 ay isang pelikula tungkol sa kalayaan ng mga tao, karanasan ng mga tao sa “martial law”, karanasan at karapatan ng mga babae sa panahon na iyon, diskriminasyon, at ang pagpupuna sa bansa. Ang Dekada ’70 ay tungkol sa mga pangyayari ngayon tulad ng mga karahasan, mga diskriminasyon, at ang mga problema na hanggang ngayon ay hindi parin natatapos.

Ang Dekada ’70 ay sinulat ni Lualhati Bautista. Siya ay isang manunulat, nobelista, liberal na aktibista, at kritiko sa politika. Ginawa niya ang Dekada ’70 upang malaman natin kung ano nga ba ang katotohanan ng buhay sa lipunan. Dahil pinapakita rito ang diskriminasyon, gera, korupsiyon, at kalayaan.

Ang mga tauhan sa Dekada ’70 ay sina Vilma Santos bilang Amanda Bartolome at si Christopher de Leon bilang Julián Bartolome Sr. na gumaganap bilang mag-asawa. Ang kanilang mga anak ay sina Piolo Pascual bilang Julian Bartolome Jr., Carlos Agassi bilang Isagani Bartolome, Marvin Agustin bilang Emmanuel Bartolome, Danilo Barrios bilang Jason Bartolome, at bilang ohn Wayne Sace bilang Benjamin Bartolome.

Si Julián Bartolome Sr. ay isang ama na mapagmahal, mahigpit, at mataas ang pride sa Dekada ’70. Gagawin niya ang lahat at sinusuportahan niya ang ginagawa ng kaniyang mga anak para maging maayos at masaya ang kaniyang mga anak. Siya ay mahigpit kapag hindi nasusunod ang kanyang gusto at hindi niya hinahayaan magtrabaho ang kanyang asawa dahil sa pananaw niya ay dapat ang mga lalake ang nagtratrabaho. Si Amanda Bartolome ang ilaw sa tahanan sa Dekada ’70. Bilang ina siya ay mapagmahal, may paninindigan, at handang gawin ang lahat para sa kaniyang mga anak. Kahit nahihirapan na siya gumagawa siya ng sarili niyang paraan kung paano ayusin ang sitwasyon. Si Julian Bartolome naman ay ang pinaka panganay sa mag kakapatid. Siya ay isang aktibista sa anti-martial law. Si Isigani Bartolome naman ay ang pangalawang nakakatanda sa mag kakapatid. Siya naman ay may asawa at anak at nag tratrabaho siya bilang US Navy. Si Emmanuel Bartolome naman ang pangatlo sa magkakapatid at siya ay isang manunulat. Ang kanyang iniidolo sa pagsulat ay ang kanyang kuya na si “Jules” dahil gusto niya rin lumaban at mag protesta gamit ang kanyang talino at pagsusulat. Si Jason Bartolome siya ang pang-apat sa magkakapatid. Siya ang pinakamasayahin sa magkakapatid ngunit siya ay napatay ng mga hindi kilalang pulis. Si Benjamin Bartolome naman ang bunso sa magkakapatid. Siya ay mabait, maintindihin, at positibo kahit na marami siyang pinagdadaanan.

Ang mga teoryang meron dito sa Dekada ’70 ay isa sa mga nandito ang Teoryang Feminismo. Ang Teoryang Feminismo ay isang adbokasiya na nagsasaad sa karapatan ng mga kababaihan. Ito ay nasa Dekada ’70 kung saan sinasaad ni Amanda Bartolome na gusto niya mag-trabaho ngunit ayaw ng kanyang asawa dahil sa paniniwala ng kanyang asawa na si Julián Bartolome Sr. ay dapat ang mga kababaihan ay nasa bahay lamang at gumagawa n mga gawaing bahay at ang mga lalake lang ang may karapatang magtrabaho.

Isa rin dito ang Teoryang Realismo. Ito ay isang teoryang kung saan pinapakita nito ang tunay na katotohanan sa lipunan. Ito ay nasa Dekada ’70 kung saan si Julian Bartolome Jr. gusto niya ipaglaban ang karapatan ng mga tao ngunit siya ay nahuli ng mga pulis at siya ay binugbog at pinahirapan para umamin sa kasalanan na ginawa niya ngunit siya ay nag matigas at hindi siya nag salita kasi alam niya sa sarili niya na may karapatan parin siya na hindi mag salita.

Ang Dekada ’70 ay tungkol sa mga isyu ng panlipunan kaya ito ay magandang pelikula dahil marami kang matutunan katulad ng pag rerespeto, pakikinig sa magulang, ipaglaban ang kalayaan at ang karapatan, at ipaglaban ang minamahal natin sa buhay. Ito ay pwedeng-pwede basahin o panoorin ng mga magaaral dahil marami silang matutunan at makukuhang aral sa palabas na Dekada ’70. Ang batas na maari ko ipanukala ay ang pagkakapantay-pantay ng kasarian dahil hanggang ngayon hindi parin nawawala ang diskriminasyon sa mga tao.

https://peoplepill.com/people/lualhati-bautista

https://reversedelay.net/2017/09/21/dekada-70-by-lualhati-bautista/

https://dekadasitenta.wordpress.com/characters/

--

--